Inilabas na ang bagong album ng Pop Superstar na si Taylor Swift na kanyang 10th studio album na pinamagatang “Midnights.”
May labing tatlong kanta ang nasabing album na tungkol daw sa kanyang “sleepless nights,” at kasabay ng pag-release ng album ni TayTay, proud niyang ibinandera sa Twitter ang kanyang pasasalamat sa “long-time collaborator” na si Jack Antonoff.
Sinabi pa niya na halos isang dekada nilang ginawa ang “Midnights.”
“Midnights is a wild ride of an album and I couldn’t be happier that my co pilot on this adventure was @jackantonoff. He’s my friend for life (presumptuous I know but I stand by it) and we’ve been making music together for nearly a decade HOWEVER…” sabi ni Taylor sa kanyang post.
Nagkwento din ang Grammy-winning singer-songwriter na halo-halong emosyon ang ibinuhos niya para mabuo ang album.
“Midnights is a collage of intensity, highs and lows and ebbs and flows. Life can be dark, starry, cloudy, terrifying, electrifying, hot, cold, romantic or lonely. “Just like Midnights,” sabi pa niya.
Tampok sa bagong album ang iba pang international artists, gaya nina Lana Del Rey, Zoe Kravitz, at Joe Alwyn na “boyfriend” ngayon ni Taylor.
Naging trending sa Twitter ang “Midnights” sa pamamagitan ng “#MidnightsTaylorSwift.”
Ang isang fan, naging “speechless” at sinabing tila sinulat ng singer ang kwento ng kanyang buhay.
Matatandaang taong 2020 huling nagkaroon ng album ang pop star at ito ang “Folklore” at “Evermore.”
Samantala, noong nakaraang taon naman nang nilabas ang bagong version ng kanyang 2008 album na “Fearless” at 2012 album na “Red.”