Aminado ang Vivamax star na si Angeli Khang na hirap siya sa pagsasalita ng tagalog lalo na at halo ang dugo niya – half-Pinay, half-Korean.
Kaya naman nahihirapan rin siya minsan sa mga dialogues niya sa kanyang mga pelikula kung saan may mga malalalim na tagalog na salita ang ginagamit.
Sa pinakabagong offering ng Vivamax na “Selina’s Gold” kung saan siya ang bida, inamin niyang nahirapan siya sa mga dialogues lalo na at isa itong period movie noong kapanahunan ng mga hapon sa Pinas.
Streaming na in all Vivamax apps this coming October 28 ang pelikula.
“Iba talaga itong ‘Selina’s Gold’ kasi it‘s more intense, maraming mahihirap na lines at mabibigat na words kasi period film ito at hindi ako magaling sa mga Tagalog words na malalalim,” sabi ni Angeli.
Sa pangatlong pagkakataon na nagsama sila ni Jay Manalo, ang leading man sa naturang movie, ay mas matitindi na raw na love scenes ang kanilang ginawa?
“Since third time na namin ito ni Kuya Jay Manalo, I’m now very comfortable with him. This is sexiest work we’ve done so far. Sa trailer pa lang, marami nang na-shocked,” sabi pa ni Angeli.