Inihayag ng dating aktres na si Antoinette Taus na hango sa pangalan ng kaniyang ina na pumanaw noong 2013 ang binuo niyang Communities Organized for Resource Allocation (CORA) na may layuning protektahan ang kalikasan at mga tao.
Sabi ng dalaga, naging transitional moment in her life ang pagtatayo niya ng foundation.
“Never, ever, ever, ever in my wildest dreams think that I would be doing what I’m doing today, that we would even have this kind of a non-profit [organization],” sabi ni Antoinette.
Ayon kay Antoinette, napakamatulungin na tao ang kaniyang ina.
“For as long as I can remember mahal na mahal siya ng lahat ng tao. It was really because of her kindness, generosity and ‘yung walang question, kumbaga ‘pag kailangan mo ng tulong, nandiyan siya para sa ‘yo and actually, CORA is named after her,” sabi ng dalaga.
Taong 2004 nang magkaroon umano ng cancer ang kaniyang ina na nasa US. Walong buwan lamang makaraan na malaman ni Antoinette ang karamdaman ng ina, pumanaw na ito.
Inamin ni Antoinette na nakaranas siya ng anxiety at depresyon nang pumanaw ang kaniyang ina. Tila nawalan na rin siya ng gana sa kaniyang career.
Hanggang sa noong 2013, bumalik ng Pilipinas si Antoinette, at muling gumawa ng proyekto sa showbiz.
“It was interesting because for the first time in a very, very long time, I had this need to be able to do something more while being here,” saad niya.
Naisipan ni Antoinette na yayain ang mga kaibigan na may gawin “just to give back,” na tuloy-tuloy kahit sa isang buwan lamang.
“Within one year of the once a month feeding program, it turned into everything it is today,” sabi pa ng aktres.
“When I look back at the reason why I wanted to do that, I really attribute it to the pain that I felt,” dagdag ni Antoinette.