Umani ng mga negatibong komento ang post ng aktres na si Jessy Mendiola na nagpapakitang nag-shopping spree talaga siya at puro branded gaya ng Louis Vuitton, Chanel and Polo.
“Yes! Isang na namang unboxing ang magaganap dahil nagkaroon ng shopping haul nung nasa Singapore kami. Sabi ng wallet ko, ‘tama naaaaaaa!’ joke! May pamamanahan naman dahil baby girl ang magiging anak ko (dibaaaa, justifying si gurl!)” caption ni Jessy sa kanyang IG post.
Pero wais na shopper naman pala ang aktres dahil marunong naman siyang magtipid at mag-allot ng pera para sa kanyang shopping spree.
“But kidding aside, I always make sure that I save up and prepare a budget for my expenses whenever I travel, especially now na alam kong medyo matagal tagal pa akong makakabyahe ulit,” sabi ni Jessy.
May negazen naman na nambash sa kanya.
“Aysus bakit kaya tong mga artista masyadong show off??? Naghirap na nga ang buong mamamayan, pero nagpapahambog pa rin tong si Jessy kung gaano sila ka well off at makakabili mg channel, Hermes etc. Wala na ngang kinakain ang iba eh puro pahambog naman ang ginagawa ni Jessy. Oo Jessy, mayaman ka na. Ikaw na talaga ang queen ng Hambugera,” sabi ng netizen.
Pero marami naman ang positive reaction sa post niya.
“Hay naku Ms. Jessy, for sure si baby peanut sabihin nya sau na not my style take note iba iba ang mga taste kahit anak mo pa yan. I have the same bucket hat and Hermes scarf I bought in Italy. It’s okay to save and splurge one in a while. We work hard for it.”