Denise Esteban, nahirapan sa eksena

Aminado ang baguhang sexy star ng Vivamax na si Denise Esteban na kahit wala siyang takot maghubad at magpamalas ng umaatikabong sex scenes sa harap ng camera, nahihirapan pa rin siya lalo na at first time niyang magkaroon ng lead role sa bagong pelikulang “Kara Krus.”

Makakatambal niya sa pelikula sina Adrian Alandy, Felix Roco at Allison Asistio.

Gaganap si Denise sa movie bilang si Adela, isang butihing maybahay ni Marvin na isang mabait at responsableng kabiyak. Subalit ang kanilang tahimik na pagsasama ay guguluhin ng pinaniniwalaan niyang kakambal na si Lena.

Nang matanong kung paano niya pinaghandaan ang pelikula, sinabi ng dalaga na talagang hirap siya noong umpisa.

“First time for me to do it so nahirapan talaga ako, lalo sa part ni Lena who is wild, kasi mabait ako in real life But I enjoyed playing them both kasi sobrang magkaiba sila and I welcomed the challenge.

When i read the script, kinabahan talaga ako. Kaya ko ba ito? But they made me undergo a workshop to help. And I also asked Direk GB how exactly he wants me to portray each character,” sabi ni Denise.

“He was a big help kasi kung minsan, nalilito ako and he’s the one who guides me. We made sure na magkaiba talaga ang personality nina Adela and Lena from one another. Pati sa boses nila, binago ko. At sa mga mata pa lang nila, you’d see na mahinhin yung isa at wild yung isa,” dagdag niya.

“I’m just happy that they trusted me with this kind of role, kaya naman I made sure I gave it my all kasi I don’t want to let down their expectations,” sabi pa ng dalaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *