Hindi pinalampas ng aktres na si Nadine Lustre ang isang comment ng kanyang mga bashers na wala umanong alam gawin kundi ang laitin ang katawan at itsura niya dahil kung matatandaan, isa si Nadine sa mga female celebrities na palaging nabibiktima ng body shaming at hate comments ng mga netizens sa social media.
At nitong nakaraan, isang hater ang nagkomento sa isa niyang litrato sa Twitter at nagsabing ibang-iba na raw ang itsura niya ngayon kumpara noong kasagsagan ng loveteam nila ni James Reid.
Sabi ng netizen, nagmukha raw siyang matanda at parang tuyot na tuyot.
Hindi ito pinalampas ni Nadine at agad niyang sinupalpal ang hater.
“I find it so weird when people say I’ve changed and I look older.”
Ipinagdiinan pa ni Nadine na magse-celebrate na siya ng kanyang 29th birthday sa darating na October 31.
“What? Were you expecting me to be the same person when I was 21? I’m turning 29 next week,” sabi pa ng dalaga.
Isa namang netizen ang nag-retweet sa post ni Nadine at nagkomento ng, “Gurl ang dumi at dry kasi ng balat mo kay mukha kang matanda.”
Banat naman ng aktres sa kanya, “At least di kasing dumi ng ugali mo.”