Bagong traffic scheme sa Elliptical Road, ipinatupad na

Nagsimula na nitong Lunes ang pagpapatupad ng bagong traffic scheme sa Elliptical Road sa Quezon City, kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang swerving sa lahat ng sasakyan dahil kung matatandaan, ang ibang sasakyan na nasa gitna ng Elliptical Road ay bigla na lang kakanan papalabas ng highway.

Ayon kay Quezon City Task Force on Transport and Traffic Management chief, ang swerving na ito ang nagiging sanhi ng mga road accident, kaya naman sa bagong traffic scheme sa Elliptical Road, dapat ay nasa gawing kanan na ang mga kakanang sasakyan at hindi basta-basta kumakanan mula sa gitnang lane.

“Objective natin i-segregate ang mga papasok ng intersection at iniiwasan natin ang occurence ng insidente,” sabi ni Cardenas.

Sa ngayon, may mga bollard na nakalagay sa bahagi ng North Avenue at Visayas Avenue para sa pagpapatupad ng bagong traffic scheme.

Sa susunod na linggo, ilalagay na rin ang mga bollard sa lahat ng kalsada palabas ng Elliptical Road.

Nagpaalala si Cardenas sa mga motoristang liliko pakanan na manatili sa kanang lane papunta sa kanilang exit sa Elliptical Road.

“’Yong galing inner tapos biglang lalabas ng lane, nagko-cause ng obstruction and cause ng mga traffic incident. Dapat nakaayon ka na sa daan mo,” saad ni Cardenas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *