Nitong nakaraan ay naki-party ang ang vlogger na si Jelai Andres at aktor na si Buboy Villar sa mga asong na-rescue mula sa iba’t ibang lugar at sa mga asong inaalagaan ng Pawssion Project, isang non-profit organization for rescued animals.
Ang mga rescued dogs ang bumida sa ikaapat na anibersaryo ng Pawssion Project, kung saan nagdaos sila ng isang “hotdog party” na ginanap sa Balay Pawssion sa Bacolod at special guests sina Jelai at Buboy na parehong dog lovers at advocate ng animal welfare.
Nakisaya ang dalawang Kapuso stars sa ginanap na piñata o pabitin ng hotdogs.
Talagang game na game na sumabak ang mga aso sa pagkagat at paglafang sa mga nakasabit na hotdogs. Makikita ang mga litrato na kuha sa hotdog party sa Facebook page ng Pawssion Project noong October 18.
Makikita sa ilang photos ang masayang pakikipaglaro nina Jelai at Buboy sa mga inabandona at na-rescue na aso.
At bukod sa pagpunta sa pa-party ng Pawssion, nag-donate din si Jelai ng kanyang talent fee para sa mga pangangailangan ng mga aso.
Kilalang dog lover si Jelai, sa katunayan may mga vlogs siya sa YouTube kung saan tampok ang pagiging advocate niya sa pangangalaga at pakikipaglaban sa mga karapatan ng mga hayop.
Ilan sa mga ginagawa niya ay ang pagbisita sa mga shelters at pagpapakain at pagdo-donate ng dog and cat food.
Ang pinaka-objective ng PAWSsion Project ay ang makahanap ng mga mag-a-adopt sa mga inabandona, pagala-gala at nailigtas na aso’t pusa mula sa mga lansangan.