Mukhang lalong lumalalim ang isyu sa pagitan ng dalawang content creators na sina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino lalo ngayong nagiging trending sa iba’t ibang social media platforms ang bagong vlog ng manager nina Madam Inutz at Herlene Budol na nagpasabog nga ito ng ilang rebelasyon.
Nagsimula ang lahat sa mga cryptic post ni Zeinab na pinaniniwalaang para raw kay Wilbert na may kaugnayan sa mga patutsada ng dalaga sa mga taong manggagamit at traydor.
May mga kaibigan daw si Wilbert na nagpapadala sa kanya ng mga social media post ni Zeinab at naniniwala sila na para raw ito sa talent manager.
“Nakita naman ninyo ang post ng aking mentor, si Momshie Zeinab,” ang simulang pahayag ni Wilbert sa kanyang vlog na ina-uploa sa kanyang YouTube channel kahapon, October 23.
Si Zeinab ang itinuturing na isa sa mga “mentor” ni Wilbert pagdating sa vlogging, at tinatanaw daw niyang napakalaking utang na loob ito sa kapwa vlogger.
Napatunayan daw ni Wilbert na siya ang tinutukoy ni Zeinab sa mga cryptic post nito kahit wala itong binanggit na pangalan at ang sinabi umano ng dalaga na “bading na akala mo inay-inay mo” sa post nito ay sapat na para masaktan siya.