Ariella Arida, naging fangirl

Hindi napigilan ng aktres at beauty queen na si Ariella Arida na magpaka-fangirl nang makadaupang-palad ang isang sikat na Korean actor na bumisita sa bansa ngayon.

Sa kanyang IG, ipinakita ni Miss Universe Philippines 2013 ang kanyang selfie kasama ang napakagwapong South Korean superstar na si Ji Chang Wook na kuha mula sa naganap na meet and greet event hosted by a local fashion brand.

Makikita sina Ariella at Ji Chang Wook na magkasama sa harap ng isang makulay na Christmas tree.

“When you made it right before the cut off! Ji Chang Wook, the warmest Oppa I’ve ever met!” saad ni Ariella.

Hindi rin maka-get over ang dalaga sa sobrang kagwapuhan ng Korean star.

“And look at that beautiful face, I cannot handle it!”

Pinasalamatan naman niya ang organizers ng “Reach You” fan meeting ng Korean superstar sa Manila.

“You made us all super kilig and over the moon. Haha lost my voice screaming from start to finish,” aniya. Dagdag pa niyang mensahe, “Saranghaeyo Wookie.”

Ang ilan pang personalidad na um-attend sa fan meet ni Ji Chang wook ay ang mga Kapuso news reporters na sina Mariz Umali at Sandra Aguinaldo, na mga certified K-drama fans.

Ilan sa mga pinagbidahang Korean series ni Ji Chang Wook ay ang “Suspicious Partner”, “Lovestruck in the City”, “The K2”, “The Healer”, “Empress Ki” at marami pang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *