Nasa 50 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa Navotas City nitong Martes.
Mahigit 20 bahay ang naabo sa sunog na sumiklab 3:40 am sa residential area ng Monte Loyola St. Brgy, San Roque, Navotas City, na umabot sa ikalawang alarma.
Ayon sa ilang mga residente, mabilis umanong kumalat ang apoy dahil magkakadikit lahat ang mga bahay na gawa sa light materials.
Ayon sa Navotas Disaster Risk Reduction and Management Office, nagsimula ang sunog sa isang bahay kung saan umano walang kuryente at naiwan ang kandilang nakasindi.
Dakong 4:58 ng umaga nang ideklara ang fire out.
Wala namang naiulat na nasawi sa sunog.