Maganda ang naging reception ng pelikulang “Spellbound” ng Viva Films na pinagbibidahan nina Bella Padilla at Marco Gumabao.
Ang Spellbound ay Pinoy adaptation ng Korean blockbuster film na siyang magiging pre-Valentine movie ng Viva Entertainment.
Ayon sa mga nakapanood, napakagaling nina Bela at Marco sa movie, pak na pak ang kanilang tambalan dahil nag-uumapaw ang kanilang chemistry sa big screen.
Dagdag pa nila, puwedeng maging best actress si Bela sa susunod na awards season dahil napakagaling talaga niya sa “Spellbound”, pinaiyak at pinahalakhak niya ang audience lalo na sa eksenang nalasing siya habang nakikipag-inuman kay Marco.