Bianca Umali, nanibago

Aminado ang aktres na si Bianca Umali na nanibago siya na makatrabaho ang kanyang real-life boyfriend na si Ruru Madrid sa isang upcoming drama “with a twist of fantasy” series na “The Write One” sa GMA 7.

Parehong busy ngayon ang dalaga dahil bukod nga sa pareho silang napapanood sa Kapuso noontime show na “Eat Bulaga” bilang mga bagong Dabarkads, ay tuloy na tuloy na ang muling pagsabak ng dalawa sa bagong serye.

“Sanay kami na kaming dalawa ‘yung pahinga ng isa’t isa. Hindi kami sanay na kami yung trabaho ng isa’t isa,” sabi ni Bianca.

Bukod sa RuCa, isa pang real-life couple ang dapat ding abangan sa naturang serye, ang tambalan nina Mikee Quintos at Paul Salas.

Nagkasama man dati sa “The Lost Recipe”, ito ang first time nilang gaganap as a couple. At para sa mga 80s babies, tiyak na trip down memory lane ang muling pagtatambal nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher Gutierrez.

Kamakailan din ay inanunsyo ng Kapuso Network ang partnership nito sa video streaming service na Viu kung saan magiging available sa Viu ang ilan sa mga upcoming Kapuso show.

Nangunguna na rito ang “The Write One.” Isa pang Kapuso show na mapapanood sa Viu ang “Love Before Sunrise” na pagbibidahan nina Dennis Trillo at Bea Alonzo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *