Nakabili na ng bahay sa Summerlin Residential Community, Las Vegas Valley of Southern Nevada, USA sina Jennylyn Mercado at asawang si Dennis Trillo at nasa Amerika ngayon sila kasama ang anak nilang si Baby Dylan.
Two years ago pa pala nabili nina Jennylyn at Dennis ang bahay at last November, 2022 lang na-turn-over at ang maganda ay may uupa na kaagad doon kaya isa rin ito sa dahilan kung bakit lumipad sa US ang mag-asawa para asikasuhin ang nasabing bahay.
Sa nasabing village rin nakatira ang isa sa kambal ni tita Becky na si Bianca na nagtatrabaho bilang nurse sa Vegas at sa kanya tumutuloy ngayon sina Dennis, Jennylyn at Baby Dylan. Kasamang lumipad ng aktres ang kanyang handler na si Jan Enriquez.
Ipinost ni Jen ang nabiling bahay nila sa kanyang IG stories pero nawala na rin ito at hoping na muli siyang mag-post kapag pinuntahan nila uli ang property.
Samantala, mahilig daw mag-invest ng properties ang mag-asawa tulad ng ipinatayo nilang rest house sa Tanay, Rizal na overlooking naman ng Windmill Farm sa Pililia, Rizal.
Sinamantala na rin ng pamilya na makapagbakasyon sila bago sumabak sa trabaho sa Marso si Jennylyn dahil balik taping na siya para sa series nila ni Xian Lim na “Love. Die. Repeat.”