Hindi pinalampas ng aktres at beauty queen na si Kylie Verzosa ang isang basher na pumuna sa kanyang outfit of the day at nag-suggest pa kung ano ang dapat nitong isuot para magmukhang balot na balot ang kanyang katawan.
Nasa France ngayon ang dalaga sa ilang fashion projects kaya nagpost si Kylie sa kanyang IG ng larawan suot ang kanyang coat. Halatang patung-patong na layer na ng damit ang kanyang OOTD pero sinita pa rin siya ng isang netizen.
“Try mo mag Abaya! Ung Black outfit sa Saudi Arabia para naman mysterious ang dating! Kita na naming lahat eh,” ang pang-ookray ng netizen kay Kylie.
Pagkabasa ng nasabing comment, hindi nag-atubiling sumagot ng dalaga sa naturang hater. Bwelta sa kanya ng dalaga, “Mommy try mo only fans baka mas exciting for you.”
Bukod dito, may nakita rin kaming isang reposted na Instagram story ni Kylie na may kaugnayan pa rin sa naging comment ng netizen.
“ABANGAN NATIN ONLYFANS NI MOMMY CAROLINE! Hahahahaha! Ang funny pls. Dapat iba nadin IG ng mga matatanda!!!” ang mababasa sa post ni Kylie.
Marami naman ang pumuri sa mga OOTD ng beauty queen sa France.
Sa ilang social media post, makikita ang pagbibilad ni Kylie ng kanyang bikini bod na kuha sa iba’t ibang lugar. Nakagawa rin siya ng ilang sexy movies sa Viva Films at Vivamax.