Hanggang ngayon ay hot topic pa rin ang aktres na si Alex Gonzaga at nagsanga-sanga na nga ang kontrobersya nang madamay na rin si Nadine Lustre sa naging mga pasabog na pahayag ni Dina Bonnevie.
Kung matatandaan, kasi, maraming rebelasyon si Dina about Alex’s alleged attitude and unprofessionalism at ang paninita niya kay Alex sa taping dahil nga palagi na lang itong late.
Sa isang bahagi ng panayam, nabanggit nga ni Ms. D na may isang eksena raw sila ni Alex sa serye na hindi makaiyak.
“Kasi may eksena siya, dapat iiyak siya. Parang mommy niya n’un, tapos di siya makaiyak. Sabi ko, ‘Alex, do you know why you cannot cry? It’s because you’re not in touch with your emotions. You’re very indifferent to your co-workers. You know what? Honestly, I want to talk to you kasi we don’t like what you’re doing and that you’re always late.’
Kaya naman nadadamay na ngayon si Nadine na talagang ipinagtanggol naman ng kanyang mga tagasuporta habang dinudurog ng bashers si Alex.