Mukhang may pinaghahandaang bagong serye ang aktres na si Anne Curtis na directed ng batikang director na si Erik Matti.
Ayon sa ilang mga netizens, gagawin na umanong serye ang “BuyBust” na pelikulang pinagbidahan ni Anne noong 2018 kasama sina Victor Neri, Brandon Vera, Alex Calleja, Joross Gamboa, Levi Ignacio, Nonie Buencamino, Mara Lopez at Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde.
Ayon sa mga balita, gagawin nang series ang pelikula at mapapanood sa HBO.
Ang “BuyBust” ang comeback acting project ni Anne pagkatapos ng ilang taon niyang pamamahinga matapos nanganak na nasabay pa sa COVID-19 pandemic.
Kuwento pa ng aming source, na maraming napagsabihan si direk Erik na gagawing series ang “BuyBust” dahil open ending naman ito at marami pang kuwentong puwedeng gawin.
“Excited lahat ng nakaalam sa plano ni direk Erik sa BuyBust kasi di baa ng ganda nu’ng movie, so more or less ganito rin lalo’t sa HBO ito mapapanood. Ang taray di ba?” saad ng isang netizen.