Nakakabahala ang inilabas na datos ng Department of Education nitong nakaraan na kung saan lumalabas na lampas 200,000 kaso ng physical bullying ang naitala noong nakaraang school year.
Ayon pa sa impormasyon, nasa 7,758 ang naitalang kaso ng cyber bullying, habang ang gender-based bullying ay na nasa 7,800, at social bullying naman ay umabot sa 17,258.
Pero posibleng mas mataas pa ang aktwal na bilang ng mga kaso dahil mayroon pang mga estudyante na hindi nagsumbong ng mga ganitong uri ng pambu-bully.
Nakakagulat din ang numero ng reported suicide cases na nasa 404 at attempted suicide cases na pumalo naman sa 2,147. Binberipika na ng DepEd sa ngayon ang mga report na eto.
Samantala, nag lunsad na ang DepEd ng helpline para sa mga estudyanteng nakakaranas ng bullying at iba pang uri ng pang-aabuso.
Issue din ngayon ang kakulangan ng mga guidance counselors sa mga pampublikong paaralan.
“Nakita nating problema, yung suweldo nila ay ‘entry level’ na suweldo. Aside from that, yung career progression,” saad ni DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa.
Hindi dapat isantabi ang balitang ito, dahil mas malala ang epekto nito sa ating mga kabataan.
Kailangang bantayang maigi ang mga impormasyon na ito upang masigurong hindi na ito madadagdagan pa.