Aminado ang aktres na si Janella Salvador na hindi muna naging smooth ang unang interaction nila ng aktres na si Jane de Leon na kasama niya sa Mars Ravelo’s Darna TV series.
Maging si Jane din ay inaming hindi talaga sila friends nang magsimula silang mag-taping.
Aminado rin ang dalawang Kapamilya leading lady na pareho silang introvert kaya hindi sila agad nag-click noong mga unang araw ng kanilang taping para sa “Mars Ravelo’s Darna.”
“Actually hindi talaga kami friends bago mag-start itong Darna. And we’re both introverts and if we’re going to be totally honest, hindi kami talaga agad-agad nag-click. Hindi naman kami nag-away or anything pero awkward siya nu’ng una,” sabi ni Janella.
“But we both made an effort to be able to break each other’s walls. Talagang nag-bond kami. Kapag walang taping, magme-message yung isa, ‘Uy, want to hang out in my room? Let’s watch a movie?’ Until we eventually became comfortable with each other and talagang I think our friendship is for keeps. Like hindi kami pang-Darna lang. Ang maganda kasi nagtutulungan kami. Like kung ano yung magiging maganda para sa akin at sa kanya, sinasabi namin. Because we want to give each other the chance to shine,” sabi pa niya.
Super appreciated naman ni Jane ang friendship and support ni Janella sa kanya sa harap at likod ng mga camera.
“Before the pandemic nagkakasama naman kami sa sa events or shows sa ABS-CBN. Hi hello lang. But we’re not so close talaga. And naging challenge din naman sa amin and dun kami nagkaroon ng hope talaga na hindi lahat ng makakasama mo magiging competition mo. Hindi siya pang-showbiz lang. Hindi kami taping friends. Actually lahat kami. Actually kagaya ni Zaijian (Jaranilla) nakatira na sa bahay ko. Ngayon lang siya umuwi sa bahay nila. Ha-hahaha!” pagbabahagi pa ni Jane.