Nagbahagi ng kanyang mga realizations ang TV host at beauty queen na si Rabiya Mateo sa mga netizens kung saan sinabi niya na dapat ay hindi dapat matakot ang mga kababaihan pagdating sa mga beauty pageants at dapat lamang na magpakatotoo.
Pagbabahagi ni Rabiya, halos mawala na raw ang kanyang identity nang sumabak at lumaban na siya sa Miss Universe competition kung saan umabot siya sa Final 21.
Tandang-tanda pa ng dalaga ang mga pagbabago at pag-a-adjust na ginawa niya sa kagustuhang manalo sa naturang international pageant.
Sa isang interview, nahingan siya ng mensahe para sa lahat ng nangangarap na maging beauty queen at maging representative ng Pilipinas sa iba’t ibang international pageants.
“Ang dami kong gustong sabihin pero ‘yung pinakapuso talaga of my advice is that don’t be scared to be yourself,” saad ni Rabiya sa isang panayam.
“Because I remember a lot of things about myself because I thought du’n ako mananalo, na I thought kapag hindi ko ‘to ginawa, hindi ako mananalo,” chika pa niya tungkol sa matinding pressure na naramdaman niya habang lumalaban sa Miss Universe.
Kinoronahan si Rabiya bilang Miss Universe Philippines 2020 na siya ngang naging bet ng bansa sa Miss Universe 2020.
“I ended up feeling so lost and you know having regrets in my head. So in every decision that you make, make sure that’s your decision, not the decision of the people around you. “Simple things lang ‘yun pero at the end of the day, kapag sinunod mo kung ano ‘yung nasa puso mo, whatever the result is, manalo ka o matalo, you’re happy because that’s you,” sabi ni Rabiya.
Pero kahit na marami ang kumukumbinsi sa kanya na sumali uli sa iba pang pageant, mukhang wala nang balak si Rabiya dahil mas gusto niyang mag-focus na lang sa kanyang showbiz career.