Angela Morena, may ayaw

Aminado ang sexy actress na si Angela Morena na talagang ayaw niyang maging third party o maging kerida sa isang relasyon dahil alam umano niya ang kanyang value at worth bilang isang babae kaya hindi siya bukas sa ganoong set-up.

“For me, bilang isang babae, I should know my worth. Kung committed na ’yong isang tao… hindi p’wede, e. Hindi na p’wede,” saad ni Angela. “Kung kayang iwasan, iiwasan ko na. Kasi deserve ko ’yong buo. Dapat sa akin s’ya committed, hindi sa iba, ’di ba?”

Kung may biggest take away nga daw s’ya sa ginawa n’yang pelikula, ito ay ang maging tapat at loyal sa partner para maging maayos ang takbo ng relasyon at hindi na mauwi pa sa paghahanap ng intimacy, affection, o attention mula sa iba.

“Ang pinaka-take away ko sa movie is wag na wag ka magsisinungaling sa partner mo o kaya sa lover mo. Always be honest,” sabi ni Angela.

Marami raw kasing posibleng mangyari na baka pagsisisihan pa sa huli kung paiiralin sa isang relasyon ang dishonesty.

“Kasi kapag hindi ka naging honest sa kanya at kapag hindi mo sinabi sa ’yong totoo p’wedeng mag-break kayo o mag-away kayo…or worse, hindi na kayo magkita…lalo na kung mahal na mahal mo ’yong tao,” saad ng dalaga.

Maliban kay Angela, kabilang din sa pre-Valentine offering na ito ng Vivamax na La Querida sina Jay Manalo, Mercedes Cabral, Josef Elizalde, Andrew Muhlach , Yda Manzano, Jiad Arroyo, Irma Adlawan, Aurora Sevilla, and Rey “PJ” Abellana.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *