Micaella Raz, may na-realize

Inihayag ng sexy actress na si Micaella Raz na wala naman siyang nakikitang magiging problema sakaling mag-tone down na sa mga sexy at sizzling movies ang Vivamax.

Ayon kay Micaella, wala raw s’yang nakikitang problema rito. Kahit nga daw totally wholesome ang project na maibigay sa kanya ay ayos lang umano dahil mapapanood naman daw iyon sa newly launched streaming site na Viva Prime.

“Siguro okey naman. Okey lang siguro sa akin kasi, ’di ba, meron naman tayo na bagong launch na Viva Prime,” sagot ng aktres.

Mas mahahasa nga raw ang acting skills nila sakaling ma-offer-an sila ng mga pelikulang may iba’t ibang genre.

“So, at least doon mabibigyan ng opportunity ang ibang actors na gumagawa ng sexy [films] na gumawa rin ng serious roles. Mae-enchance pa ’yong skills ng isang actor pag nangyari ’yon,” sabi ng dalaga.

Ayon naman kay Chloe Jenna, iba pa rin daw ang na merong love scenes ang Vivamax movies lalo na kung justifiable naman daw ito sa kuwento ng kanilang pelikula.

“Ako po, lagi kong sinasabi sa mga interviews, as long as justified po ’yong sexy scenes, why not? Kung talaga pong kailangang ’yon kung ma-forward [sa audience] ’yong message of the story, gagawin ko po talaga,” saad ni Chloe.

Samantala, excited na ang mga aktres na mapanood ng viewers ang movie nilang Boso Dos na idinirek ng award-winning filmmaker na si Jon Red, na s’yang direktor din ng naunang pelikula na Boso (2005) na pinagbidahan noon nina Katya Santos, Gwen Garci, Jeffrey Quizon, Allen Dizon, and more.

May touch of modernity na ang second Boso movie na ito ni Direk Jon dahil hindi na lang daw ito iikot sa literal na pamboboso dahil gumagamit na ng CCTV cameras ang ilang characters sa movie.

Matatakay pa dito ang napapanahong social issues, particular na ang illegal drug trafficking, kaya’t asahan na daw na bukod sa mga steamy love scenes ay kaabang-abang din ang mga maaaksyong mga eksena.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *