Sunshine Cruz, nawalan ng trust

Aminado ang aktres na si Sunshine Cruz na nawala ang tiwala niya at respeto niya sa relasyon nila ni Macky Mathay tulad din ng nangyari noon sa ex-husband niyang si Cesar Montano na naging dahilan na rin ng kanilang paghihiwalay.

Ayon sa aktres, mas pinili na lamang niyang tumahimik muna para na rin sa kanilang mga anak.

“I chose to be quiet because merong mga bata na involved — mga anak niya na napamahal sa akin at yung mga anak ko na napamahal kay Macky. So, nag-decide ako na maging quiet na lang, kasi hindi naman talaga alam ng publiko kung ano yung mga pinagdadaanan namin or kung ano yung pinagdaanan ko. Parang ang feeling ko hindi na dapat talaga ma-involve ang publiko dito,” sabi ni Sunshine.

“Ang na-realize ko lang dito sa relationship, and even with my ex-husband, Cesar, tatlo ang importanteng bagay sa relationship, hindi lang love. Dapat nandu’n ang trust, nandu’n ang respect. Pag merong isang nawala du’n, it’s not going to work. And sa edad kong ito, I am 45 years old, hindi na dapat pinapatagal. Of course, you give chances, sabi nga, di ba, yung kay Senator Chiz (Escudero at Heart Evangelista), masarap magkaroon ng second chances. Of course, you give your second chance, third chance, hanggang 10 pa nga na beses magbibigay ka, e. Pero at the end of the day, you wake up one day at mari-realize na wala nang patutunguhan ang relationship. You just have to be thankful for the years you’ve been together. Naging maganda yung pagsasama niyo, nagmahalan kayo, naging inspiration kayo sa isa’t isa,” sabi pa niya.

“Ako kasi, masasabi ko lang ‘no, kasi kahit anong gawin nating pagpaplano sa buhay natin, of course when I was with Cesar, I wanted to grow old with him. Gusto ko, hanggang pagtanda ko siya na, ganu’n din with Macky. After Cesar, I waited. Actually dumating na lang yan, hindi ko naman inaasahan. Almost four years after, separated ako kay Cesar, nu’ng dumating si Macky. I wanted to grow old with him as well. Pero may mga… kahit magplano tayo sa buhay natin, pero kung hindi talaga yun ang destiny natin, hindi mangyayari. And I just have to believe kung ano man ang… I’m sure meron ibang plano si God para sa akin. And kung ano man yun, hihintayin ko. Kung may dumating, okay lang. Ang importante nandiyan ang mga anak ko, mahal ako, mahal ako ng mga anak ko. Du’n na lang nagpo-focus ako. I have work. Di ako nawawalan ng proyekto and that’s all that matters. I am blessed,” dagdag pa niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *