Aminado ang aktres na si Bea Alonzo na talagang fan na fan siya ng komedyanteng si Michael V. na nakatrabaho na niya ngayon at sa kanyang IG, hindi na itinago ni Bea ang kasiyahan nang mag-guest siya sa TV series ni Michael V. na “Pepito Manaloto.”
“Nakilala ko na sa personal si Bitoy! [smiling face with hearts emoji]” saad ni Bea sa caption.
Inalala rin ng aktres na nag-guest din siya noon sa comedy show na “Bubble Gang” kung saan ay tampok din ang komedyante, ngunit hindi naman daw sila nagkaroon ng eksena together.
“When I guested on bubble gang last year, I thought I would have the privilege to do a skit with him, pero hindi pala, dahil ngayon pala ang perfect time para dun,” sabi ng dalaga.
At dahil nakatrabaho na niya sa wakas si Michael V., sinabi niyang kinilig siya.
“I did a guesting on Pepito Manaloto (a 12-year-old show! wow!) at kinilig ako, dahil nakagawa na ako ng eksena with the iconic Michael V.! I remember growing up, pinapanood ko ang mga parodies nya at pagtatagalog ng western songs!” saad ni Bea.
Maraming netizens naman ang napa-comment sa post ni Bea at agree na isa sa mga iconic comedian si Bitoy.