Nagbigay ng payo ang aktres na si Sunshine Cruz ang kanyang ex-husband na si Cesar Montano na magpakabait na ito sa kanyang bagong partner na si Kath Angeles kung saan may tatlong anak ang aktor — sina Samuel, Kirsten, at Liam.
Sa kanyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay sinabi ni Sunshine na masaya siyang maayos na ang lahat sa pagitan nila ni Cesar at talagang okay na okay sila ni Kath.
Nitong 2022 ay nagdesisyon na ang dalawa na iwan na ang mga nakaraan nilang isyu at piniling nang magkapatawarn para na rin sa kanilang tatlong anak na sina Angelina, Chesca, at Samantha.
“Very, very happy ako kasi nakikita ko kung papaano nagsa-shine ang mga eyes ng anak ko,” pagbabahagi ni Sunshine.
Modern family na nga ang set-up nila at nagsasama-sama sila sa mga espesyal na okasyon at masaya siyang makitang masaya ang mga anak.
“Sila na mismo ang nagsabi na yung piece na yon na lacking sa heart nila, parang puzzle, nabuo ulit. “And I am very, very happy that I am okay,” sabi ni Sunshine.
Nabanggit nga rin niya na sinasabihan niyang sabihan ang dating asawa na magpakabait na sa kanyang partner.
“Sabi ko nga kay Cesar, ‘Magpakabait ka na diyan kay Kath. Napakaganda, napakabait, napakasuwerte mo. Mag-behave ka.’ Kung hindi, makakaaway niya kaming lahat ng mga anak ko,” saad ni Sunshine.