Trending na naman ang social media star na si Donnalyn Bartolome matapos ang kanyang kontrobersyal na post na may kaugnayan sa pagbubuntis.
Burado na ang nasabing post pero maraming mga netizens ang mabibilis ang kamay at nascreenshot ang post ng dalaga.
“Maganda talaga pag binuntis. Kidding aside, maganda pa din kayo mommies,” saad ni Donnalyn sa kanyang comment.
Agaw-pansin din ang naging sagot ni Donnalyn sa isang nag-comment sa kanyang post na tila insecure daw sa kagandahan niya.
“Grabe sobrang ganda niyo po. Nakaka-insecure po talaga, lalo pag tumitingin na ako sa salamin after birth [sad face emoji],” saad ng ng nagcomment na fan.
“Mommy isipin mo nalang binuntis ka… sobrang ganda mo siguro. Ako walang bumubuntis. Parang talo moko sa ganda wag ka na ma-insecure diyan haaa. I’m sure maganda ka. Smile ka na yiiie,” sagot naman ng dalaga.
Dahil diyan ay samu’t-saring negatibong komento ang natatanggap ni Donnalyn.
Marami sa kanila ang nagsasabing hindi maganda ang pambibiro niya at tila sinasadya na raw ito ng socmed star upang maging trending.
Kung maaalala nitong Enero ay nag-viral ang Facebook post ng social media star na tungkol sa mga taong nalulungkot dahil balik-trabaho na uli matapos ang selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon.
Dinepensahan ‘yan ni Donnalyn at sinabing hindi lang pala dapat puro achievements ang pino-post niya sa socmed kundi pati na rin ang hirap na nararanasan niya.