Aminado ang ex-husband ng aktres at social media influencer na si Jelai Andres na si Ex Battallion member Jon Guttierez o mas kilalang King Badger na may nararamdaman pa rin siya sa aktres.
“Hindi na ‘yun mawawala e,” saad ng rapper. “Ang tagal din naming nagsama ni Jelai. So kung tutuusin, hindi mapapalitan ang love ko para sa tao na ‘yun.”
Sinabi pa ng dating Ex Battalion na bagamat may hinaharap silang kaso ngayon ay tunay niyang minamahal ang dating misis.
“Kumbaga kahit ngayon may hinaharap kaming case and all that and ayaw sakin ng mga tao dahil nga sa lumalabas sa social media, hindi pa rin siya napapalitan. Kumbaga ‘yung pagmamahal ko sa taong iyon ay same pa rin. Hindi siya nabawasan. Legit. This is actually coming from the heart. Totoo na kahit ano pa ang sabihin ng tao sakin, it doesn’t matter. Hindi magbabago ang pagmamahal ko sa taong ‘yun,” saad ni King Badger.
Nakwento pa ni King Badger na si Jelai din ang dahilan kung bakit niya pinasok ang showbiz industry.
“Siya ang reason bakit ako nag-try ng path ng showbiz. Siya ang nagpu-push sakin lagi. Actually, sa music, siya rin ang nag-push sakin diyan,” saad niya. “Siya kumukuha ng models dati para sa music video ng Ex B, siya ang naghe-help. Walang hesitation, lagi niya akong pinu-push when it comes to work, career, music.”
Pinasalamatan pa niya si Jelai dahil daw sa mga effort at suporta na ginagawa noon para sa kanya.
Matatandaang taong 2015 nang mag-umpisa ang relasyon ng dalawa hanggang sa ikinasal na noong 2018.