Heart Evangelista, talagang rich

Mukhang talagang pinangangatawanan ng fashion icon at aktres na si Heart Evangelista ang “crazy rich Asian” nang makabili siya ng “perfect sofa” para sa apartment na titirhan niya sa Paris.

Aniya sa video, “We are going to there to look at nice furniture. I am hunting for the perfect sofa.”

Unang umikot si Heart sa Cassina, isang Italian furniture store na gustung-gusto raw niyang brand sa France dahil sa quality ng kanilang mga produkto.

Inilarawan naman niya ang mga ipinakita niyang furniture sa Italian brand na Kartell, bilang “modern, easy, and chic.”

Pumunta rin siya Roche Bobois na matatapuan din sa Saint-German at talagang nagustuhan daw niya roon ang Bubble 2 sofa.

“This is the one I want! Actually, I want it all but then this is the one. It’s a confirmation,” saad ng aktres.

Aniya, kasya raw ang tatlo hanggang apat na tao sa naturang sofa na gawa mula sa isang special Orsetto Flex fabric. Sinabi rin sa kanya ng isang sales representative doon na pwede itong ipa-customize with different fabrics.

Base sa price tag ng isang Italian “interior” website, ang sofa na nagustuhan ni Heart ay nagkakahalaga ng 7,585 US dollars o mga nasa P408,100.

“I made up my mind. Budget-wise, it was good. The other one was 600…” ani Heart.

Sa huling bahagi ng vlog, nagtungo rin siya sa kanyang all-time favorite na Fornasetti para mamili naman ng ilang home decor na babagay sa kanyang apartment.

Ang gustung-gusto raw niya sa nasabing store ay, “It’s art, it’s black and white, the story behind the muse, she’s an actress, right? Yeah, she’s an actress. And it’s a very, very interesting piece to have. It’s timeless and it’s edgy.”

Noong September, 2022 ibinalita ng aktres na nakabili na siya ng apartment sa Paris at nagse-save na siya para sa mga bibilhing furniture.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *