Niligtas ng US Coast Guard, wanted pala

Nagulat ang United States Coast Guard na ang kanilang nailigtas na indibiduwal mula sa tumaob nitong yate ay wanted pala sa iba’t ibang kaso at nabisto ang pagkatao ng lalaki nang mag-viral ang video ng mapanganib na rescue mission.

Sa mga kumakalat ng video, makikita ang mga tauhan ng coast guard na sakay ng kanilang vessel habang sinusuong malalaking alon. May helicopter din na gamit ang mga rescuer.

Sakay naman ng isang yate ang lalaking sasagipin na tumilapon sa dagat nang hampasin at mistulang ibalibag ng malaking alon ang kaniyang sasakyang pandagat.

Makikita rin na isang tauhan ng coast guard ang lumangoy patungo sa lalaki, na kinalaunan ay ligtas na naiakyat sa helicopter.

Naging matagumpay ang naturang rescue mission at dinala sa ospital ang biktima na nagtamo ng minor injury, at kinilalang si Jericho Labonte.

Matapos nito, ini-upload ng coast guard sa social media ang ginawa nilang pagsagip sa lalaki. Kaagad namang nag-viral ang video.

Dito na nakatanggap ng impormasyon ang Astoria Police Department tungkol sa pagkatao ni Labonte, gaya nang ginawa niyang pag-iwan ng isda sa labas ng isang bahay.

Ang naturang gawain ay ginamit sa pelikulang “The Goonies,” at ini-record pa ng suspek ang kaniyang ginawa sa kaniyang cellphone.

Nasundan pa ito ng impormasyon na ang yate na ginamit ni Labonte ay nakaw pala.

Dahil dito, inaresto si Labonte ay natuklasan ang mga kasong kinakaharap gaya ng pagnanakaw, criminal mischief at unathorized use of vehicle.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *