Catriona Gray, the one

Inamin ng aktor na si Sam Milby na ang kanyang girlfriend na si 2018 Miss Universe Catriona Gray na talaga ang the one para sa kanya at aminado rin siya na napag-uusapan na rin nila ang pagpapakasal.
Ito ay sa kabila ng mga balitang naglabasan na kasal na umano ang dalawa.

“It was just funny when it came out and yeah it was obviously dahil sa post ni Cat wala namang sinabing about the wedding but there’s other person na nag-post na si Mrs. Catriona Gray-Milby ang co-host ng Miss Universe 2022. They connected and they thought na kasal na kami which is not true! Hindi pa kami kasal, assumptions lang ng mga tao,” sabi ni Sam.

At diretso naming tanong kung si Cat na ba ang “the ones.” “Yes! I do believe so,” nakangiting sabi ni Sam.

Hirit namin kung kailan ba mangyayari ang kanyang proposal at kung ngayong taon ba ito, pero tumawa nang tumawa ang binata dahil pag sinagot nga naman niya kung kailan ay hindi na ito sorpresa para kay Catriona.

“Why would I (natawa)…the announcement. It’s not something that I (would tell),” saad ng binata at sinabi namin na excited lang kaming malaman.

39 years old na ngayong 2023 si Sam at lumampas na ang dati niyang sabing mag-aasawa siya sa edad na 36 pero nabago na ang lahat.

“I think, we have several plans sa buhay tapos hindi nangyayari. You have to be ready na life never goes the way you planned it. I think my ideal age nu’ng sinabi ko dati was 35, ideal age to get married and halos lahat ng kaibigan ko may asawa’t anak na,” pahayag ng aktor.

Kaya hindi na raw siya nagsasabi kung anong edad niya siya mag-aasawa dahil napi-pressure siya, “I think the right love is worth the wait.”

Ten years ang age gap nina Sam at Catriona pero hindi ito ang dahilan kung bakit dine-delay pa nilang i-level up ang kanilang relasyon.

“Hindi naman, ‘yung age gap namin parang mas batang isip pa ako kung paano ako mag-act kaysa sa kanya. She’s very mature for her age, she just turned 29 (noong January 6), she’s very ambitious, she’s very matalino, very family oriented,” papuri ni Samuel Lloyd sa kanyang “the one.”

Sa 10 taong agwat ng edad ng dalawa ay click sila at bihira raw silang magkaroon ng gusot, “We just get along. Honestly wala kaming malalaking away for how long we’ve been together wala kaming malalaking away.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *