Faith da Silva, may nagustuhan

Aminado ang aktres na si Faith da Silva na na totoong nagkagusto siya kay Albert Martinez sa kabila ng agwat sa kanilang edad.

Pero kahit ganoon ay itinanggi ang tsismis noon na nagkaroon sila ng relasyon ng award-winning veteran actor habang ginagawa nila ang teleserye ng GMA na “Las Hermanas.”

“Kasi nakita ko kung paano niya ako inalagaan and kung paano niya ako ginuide bilang bagong artista. First show ko ‘yon at siya, veteran na siya bilang artista pero hindi niya ipinaramdam sa akin na ang level niya malayo sa akin,” saad ni Faith sa isang panayam.

Nagkatrabaho ang dalawa sa GMA Afternoon Prime series na “Las Hermanas” noong 2021.

Ngunit mariin ngang sinabi ng dalaga na hindi raw sila umabot sa pagkakaroon ng espesyal na relasyon dahil alam niyang mahal na mahal pa rin ng aktor ang namayapa nitong asawang si Liezl Martinez.

“Mabait siya. He’s sweet. Kaya lang nga, alam ko na super love niya ang late wife niya,” pahayag pa ng aktres.

“Wala naman masyado kasi nga, mahirap ang sitwasyon, eh. First time ko lang ‘yun na-experience na ‘yung age gap namin medyo malayo talaga. I could see and I could feel kung gaano niya kamahal ang wife niya, kasi ‘yun ang palagi niyang kinukuwento,” saad ng dalaga.

Wala rin daw siyang boyfriend ngayon, “I am single, very much so.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *