Loisa Andalio, mapagpatawad

Hindi na maikakaila ngayon na talagang napaka-forgiving ng aktres na si Loisa Andalio pagdating sa kanyang boyfriend na si Ronnie Alonte dahil sa isang panayam, inamin ng aktor na ilang beses na rin siyang nahuli ni Loisa na nambababae.

Ayon kay Ronnie, ilang beses din siya nakagawa ng pagtataksil noon sa kanyang girlfriend at sabi pa nila, sa anim na taon na nilang relasyon ay marami rin silang pinagdaanang pagsubok na nagturo rin sa kanila ng mahahalagang life lessons.

Sa guesting ng tambalang LoiNie sa “Magandang Buhay” kahapon, February 7, napag-usapan nga ang tungkol sa pagiging unfaithful, cheating at ang pagkaka-link noon ni Ronnie sa ilang female celebrities.

“Alam niya (pagloloko). Nahuli niya ako. So naramdaman ko ‘yung feeling kung gaano kasakit yung ganu’ng pakiramdam,” pag-amin ni Ronnie.
Tungkol naman sa mga female stars na natsismis na naging karelasyon niya habang hindi pa nila inaamin ni Loisa sa publiko ang kanilang relasyon, may paliwanag nga tungkol diyan si Ronnie.

“Sa totoo lang, aaminin ko, mali ako. Kasi ‘yung mga nakatrabaho ko dati at ‘yung mga nakasama ko dati, hindi ko nilinaw sa kanila at hindi ko sinabi sa kanila na kami ni Loisa. Tinago ko rin sa mga naging ka-partner ko,” lahad ng binata.

“Yun lang po ang nililinaw ko na ngayon ko lang sinabi, na ako ‘yung may mali doon.

“Sa mga fans, huwag niyo sisihin, iba-bash ‘yung mga babae na na-link sa akin dati kasi hindi nila alam. Kasalanan ko ‘yun,” sabi pa ng aktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *