Bela Padilla, kuminang sa Spellbound

Marami ang nagaglingan sa ipinakitang performance ng aktres na si Bela Padilla sa latest movie niyang “Spellbound” mula sa Viva Films kung saan katambal niya si Marco Gumabao.

At ngayon nga ay dalawa ang ginagawa niyang pelikula ngayon sa South Korea kasama ang ilang kilalang K-drama actors at marami umanong bumilib sa dalaga at hindi na umano nakakapagtaka kung humakot siya ng tropeo sa susunod na award-giving season.

Sa naganap na premiere night ng pelikula ay natanong ang dalaga kung hanggang kailan siya mananatili sa Pilipinas. Sa London na ngayon naninirahan si Bela.

“I will be here for one month. I miss our country but I now have two homes,” sagot ni Bela.

“I love them both. Hindi puwedeng pagkumparahin kasi sobrang magkaiba sila, like apples and oranges, but our country will be always be home for me. Iba pa rin yung pakiramdam kapag umuuwi ako rito sa Pilipinas, e. My dad is British and my real family name is Sullivan, so I’m half Filipina, half British. I’ve lived my whole in my mom’s home, the Philippines, so I felt it’s about time I find out how it is to live in my dad’s home,” sabi pa ng dalaga.

“For years, I’ve been telling my friends I think it’s time for me to move and try new challenges. The move is actually a leap of faith for me. I left Manila in 2019 and I’m enjoying my independent life in London, where I have two sisters and a brother, but they live two hours away from my place. Of course, I still do projects in Manila and I’m glad that Viva continues to give me good assignments, not only to act like in ‘Spellbound’, but also to write and direct, like I did in ‘366’ which got good reviews,” dagdag niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *