Hindi pa rin tinatantanan ng ilang mga netizens ang actress at vlogger na si Donnalyn Bartolome at sumama na rin sa bandwagon ang social media personality at motivational speaker na si Rendon Labador.
Nitong nakaraan kasi, naglabas ng saloobin si Rendon sa nag-viral at trending na namang kontrobersya na kinasasangkutan ni Donnalyn kaugnay ng naging reaksyon niya sa isang netizen na nanganak.
May nag-message kasing nanay sa aktres at content creator na nagsabing nakakaramdam siya ng insecurity matapos ngang isilang ang kanyang baby.
Pinuri niya nang bonggang-bongga si Donnalyn dahil sa kagandahan nito. Aniya, mas lalo siyang nakakaramdam ng insecurity kapag humaharap sa salamin. Nagbago na raw kasi ang kanyang hitsura nang manganak.
Reaksyon naman ni Donnalyn, “Mommy isipin mo na lang binuntis ka… sobrang ganda mo siguro. Ako walang bumubuntis.. parang talo mo ko sa ganda wag ka na ma-insecure diyan ha… I’m sure maganda ka, smile ka na.”
Nilagyan pa niya ito ng caption na, “Maganda talaga pag binuntis.”
Maraming bumatikos kay Donnalyn dahil dito kahit na maganda naman ang kanyang intensyon, kabilang na nga riyan ang social media influencer na si Rendon Labador.
Ayon sa Facebook post ni Rendon Labador, sana raw ay mabuntis si Donnalyn ng isang lalaking may utak para hindi na ito maging “bobo.”
“To be fair, hindi naman offensive ang statement niya. Sadyang tanga lang talaga si Donnalyn. Ako na po ang kusang loob na makiki-usap na intindihin na lang natin siya. Kawawa yung tao kasi hindi niya alam kung saan siya nagkamali. #PrayForDonnalyn,” ang nakasaad sa FB post ni Rendon.