Lumang bus terminal sa Araneta City, nasunog

Nasunog ang lumang Araneta City Bus Terminal sa Cubao, Quezon City ngayong Huwebes. Dito dati ang estasyon ng bus papuntang mga probinsiya at ilang commercial establishment sa loob nito ang nasusunog pa rin hanggang gabi ng Huwebes.

Patuloy na inaapula ng mga bombero ang sunog na nagsimula pasado alas-4 ng hapon at base sa mga larawan, makikita ang makapal na usok na nagmumula sa sunog.

Itinaas na ang Task Force Bravo para sa sunog, ayon sa TXTFire Philippines nitong alas-5:16 ng hapon

Nakapag-evacuate naman ang tenants ng bus station, ayon sa manager nito.

Wala ring napaulat na nasaktan dahil sa sunog.

Samantala, pinabuksan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nakakandadong kalsada sa Barangay Fairview Park, Quezon City nitong Huwebes ng umaga.

Habang nagsasagawa ng clearing operations ang mga tauhan ng MMDA, napansin nila ang isang kalsada na sarado ang gate at tila ginawang private compound ng homeowners.

Sa kahabaan ito ng Pearl Street na isang public road, mula sa corner ng Camaro Street hanggang Fairlane Street.

Ayon kay MMDA Deputy Chief Gabriel Go ng NTFSO, may window hour lang umano ang pagbubukas ng gate, tuwing umaga at hapon para sa rush hour.

Sinabi rin ng barangay na dapat ay 24/7 itong bukas sa mga motorista.

Nasa 32 mga sasakyan at motorsiklo ang natiketan dahil sa illegal parking.

Agad namang pinabuksan ng MMDA ang naturang kalsada para magamit ng publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *