Julie Anne San Jose, sinorpresa

Hindi talaga matatawaran sa lahat ng bagay ang mga fans nila Julie Anne San Jose at Rayver Cruz dahil sa dala nilang pa-surprise nang bumisita sila sa shooting ng kanilang mga idol.

Bukod kasi sa personal nilang pagbisita sa set ng latest project ng JulieVer ay niregaluhan pa nila ang mga ito ng coffee truck.

Base sa mga photos na nakita namin sa social media, ang mga fans na nagtungo sa set ng kauna-unahang pelikulang pagsasamahan nina Julie at Rayver na “The Cheating Game,” under GMA Public Affairs ay ang mga miyembro ng JulieVer Space Ship at JulieVer Fansclub International.

Mababasa sa poster na nakalagay sa coffee truck, nais lamang daw pasayahin at mag-share ng good vibes ng mga supporters nina Rayver at Julie para makadagdag ng excitement sa movie.

Ang mga paandar na coffee at food trucks na ipinadadala ng mga fans ay ginagawa rin sa South Korea kung saan talagang nag-e-effort ang mga tagasuporta ng mga Korean stars sa pagpapadala ng food and drinks sa set ng kanilang mga series at movies.

“Thank you guys, much love,” ang caption ni Julie Anne sa ipinost niyang photo sa Twitter.

Bukod dito pinasalamatan din ng Asia’s Limitless Star ang JulieVer fans sa pamamagitan ng Instagram Stories.

“Thank you JulieVerse fam forda sarprays and set visit we love you all,” mensahe ng dalaga na bukod sa coffee truck ay nakatanggap din ng bouquet of flowers mula sa fans.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *