Eula Valdez, may inihirit

MABILIS na naging top trending topic ang bagong pelikula ni Darryl Yap na “Martyr Or Murderer” under Viva Films, sa Twitter Philippines kagabi matapos ilabas ang official trailer nito.

At tulad ng inaasahan, iba’t iba ang naging reaksyon ng publiko at ng mga netizens nang mapanood ang mahigit dalawang minutong trailer ng “MOM”, ang part 2 nga ng controversial at blockbuster movie na “Maid In Malacañang.”

Super intense ang official trailer ng “MOM” kung saan mapapanood ang ilang kaganapan matapos mapatalsik sa Malacañang ang pamilya Marcos. Bukod sa confrontation scene nina Imelda at Ninoy, may isa pang pasabog sa ending ng trailer.

Ito ay ang eksena kung saan ipinakita ang award-winning actress na si Eula Valdes na gumaganap naman bilang present Imee Marcos. Dito mapapanood si Eula as Sen. Imee na sinagot ang tawag ng kapatid na si Bongbong.

“Oh, Bonget…” sey ni Eula. Hirit naman ng kausap niya sa telepono , “Imee, tingin ko…dinaya ako ni Leni.” Na sinundan nga ng napakalakas na hiyawan at palakpakan mula sa mga taong nasa presscon.

Ang pag-appear ni Eula sa “Martyr Or Murdurer” ay kumpirmasyon na ring magkakaroon nga ito ng third installment.

Showing na sa mga sinehan nationwide ang “Martyr Or Murderer” sa March 1 na inaasahang magiging blockbuster din tulad ng “Maid In Malacañang.”

Kasama pa rin dito sina Beverly Salviejo, Ella Cruz, Kyle Velino, Franki Russel at marami pang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *