NO PLACEMENT FEE SA JAPAN, HINILING

Hiniling ni House Speaker Martin Romualdez sa Department of Migrant Workers (DMW) na isulong ang no-placement fee policy para sa mga Filipinong magtatrabaho sa nasabing bansa sa harap ng mga pangako na kukuha ng maraming manggagawang Pinoy ang mga kompanya sa bansang Japan

Ayon sa lider ng Kamara de Representantes, nangako ang mga Japanese company at employers na kukuha sila ng marami pang manggagawang Pinoy batay sa pakikipagpulong ng mga ito kay Marcos.

“I hope that the DMW (Department of Migrant Worke) can engage the recruitment industry and Japanese employers on how to make Japan a 100-percent no placement fee labor market,” ayon kay Romualdez.

Nais ni Romualdez na makasama sa kaniyang mungkahi ang mga seafarer, professionals, at non-skilled workers.

Idinagdag ng opisyal na mataas umano ang pagtingin ng mga Japanese employer sa mga manggagawang Filipino.

“We are happy to hear directly from our OFWs in Japan on how much they are valued by their employers, and vice-versa,” ani Romualdez.

Ayon kay Romualdez, bagaman ang mga nagsanay sa Technical Internship Training Program at specified skilled workers ay hindi nagbabayad ng placement fees, sinabi niya na, “there are Filipino job seekers who fall outside these categories that are being asked to pay, such as professionals and highly skilled workers.”

Hinikayat ni Romualdez ang mga Filipino worker sa Japan at sa mga job applicant sa Manila na ireport sa DMW at DMW Offices sa Osaka at Tokyo, Japan ang labis na mahal at mga illegal fee na kinokolekta sa kanila.

“Congress will work with DMW in strengthening existing laws and regulations to enable the government to run after and punish those who collect illegal fees,” ani Romualdez.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *