Iniulat nitong nakaraan na tumaas na rin ang presyo ng tinaguriang ulam na pang-mahihirap o pang-masa, sa gitna ng price hikes ng basic commodities.
Ayon sa mga ulat, kung dati ay may P10 ka, makabibili ka na ang limang malalaking peraso ng tuyo pero sa ngayon, limang piraso pa rin pero mas maliliit na tuyo na. Minsan daw, inaabot pa ng P15 hanggang P20 sa ilang tindahan.
Nagmahal na rin umano ang presyo ng isda ayon sa isang magtutuyo sa Rosario, Cavite.
Ang dati umanong P1,000 hanggang P2,000 kada banyera ng isdang ginagawang tuyo o salinas, ay naging P2,800 hanggang P4,800 na.
Ang dating P80 ang kada kilo ng tuyong tamban, ngayon P150 hanggang P170 na. Ang tuyong salinas naman, ang dating P150/kilo ay P250 hanggang P360 na.
Pagdating umano sa bagsakan ng tuyo, papatong pa umano ang mga nagtitinda ng hindi bababa sa P15 kada kilo.
Ayon sa isang nagtitinda ng tuyo, “Halos doble ang pagtaas ng presyo kumpara nung nakaraang taon, bunsod na rin ng pagtaas ng presyo ng krudo.”
Bukod dito, ayon sa ulat, kakaunti din umano ang dumarating na supply. Ayon sa mga manginigsda sa Cavite, kakaunti lang ang huli dahil sa malamig na panahon. Pero kahit umano tag-lamig kakaunti na raw talaga ang kanilang huli.
Ayon sa LGU ng Rosario, Cavite, nagbibigay sila ng P5,000 hang P10,000 na livelihood assistance sa mga mangingisda o magtutuyo na lalapit sa kanila.
Sabi naman daw ng Bureau of Fisheries ang Aquatic Resources (BFAR), isa sa mga dahilan ng mababang supply ay ang ipinatutupad na “closed fishing season” para sa tamban at salinas sa Zamboanga Peninsula na magtatapos sa katapusan ng Pebrero.
Ang closed fishing season ay ipinapatupad upang hayaang makapagparami ang mga isda upang masiguro ang sustainability ng suplay ng mga isdang ginagawang tuyo, ayon sa BFAR.
Hindi na talaga mapipigil ang mga ganitong klase ng pagtaas, sana lamang at magawan ito ng paraan ng pamahalaan.