LIBONG PASAHERO, STRANDED!

Iniulat ng Philippine Coast Guard nitong Miyerkules na libo-libong pasahero ang na-stranded at maraming residente ang inabot ng baha sa mga probinsiya sa pananalasa ng bagyong Amang.

Ayon sa PCG, tinatayang nasa 1,028 pasahero at 215 rolling cargoes ang stranded sa Matnog, Sorsogon habang stranded na rin ang 330 pasahero at 12 rolling cargoes sa Tabaco, Albay na papuntang Catanduanes.

Dagdag pa nito, nasa 200 na pasahero naman sa probinsya ng Quezon ang na-stranded.

Samantala, nakakaranas naman nang pagbaha ang bahagi ng highway sa Brgy. San Roque, Bombom, Camarines Sur dahil sa ulan na dulot ng Bagyong Amang.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Camarines Sur dahil sa bagyo umpisa pa noong Martes.

Ayon kay Police Captain Rechilda Matias ng Bombon, umapaw ang irrigation canal kaya binaha ang kalsada. Malalaking sasakyan lang ang nakadaan dito kaninang madaling araw, pero nakalusot din ang light vehicles nang pansamantalang tumigil ang ulan.

May mga bahay na pinasok ng tubig, pero walang naitalang evacuees ang pulisya.

“Kung alam naman sir na binabaha yung lugar, mas mabuti pong mas maaga mag-evacuate na po para hindi po iyong hapon or gabi na saka po sila magpapa-rescue. Mas mabuti po na mas maaga silang marescue para wala naman tayong casualties,” saad ni Matias.

Naka-2 landfall na ang tropical depression. Una, sa Panganiban, Catanduanes at Presentacion, Camarines Sur.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa dagat na sakop ng Caramoan, Camarines Sur, na taglay ang lakas ng hangin na 45 kph at pagbugso hanggang 55 kph.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *