Mainde Mendoza, MAY TINUPAD

Sa wakas ay natupad na rin ng aktres na si Maine Mendoza ang pangarap niyang maging flight attendant kahit pa panandalian lamang sa pamamagitan ng kanyang lifestyle show na “Maine Goals.”

Ayon sa dalaga, dream come true para sa kanya ang pagsuot siya ng uniporme ng isang flight attendant na may pa-name plate pa kasama ang kanyang mga kaibigan noong mag-taping sila.

“The path I was supposed to take 8 years ago. My teenage self would be so happy,” pagbabahagi ni Maine sa caption. “Can’t wait for you to see what we have in store this season. Exciting goals ahead!”

Base sa mga larawan ay mukhang nag-take ng training ang dalaga kasama sina Chamyto at Chi Chirita para sa pilot episode ng kanyang programa.

Marami naman sa mga netizens ang super happy na makitang kahit papaano ay nagkaroon ng katuparan ang mga pangarap ni Maine.

Bago pa man sumikat sa showbiz industry at maging phenomenal star bilang si Yaya Dub, graduate ito ng Bachelor’s Degree in Hotel, Restaurant, and Institution Management, major in Culinary Arts.

Samantala, mapapanood ang “Maine Goals” sa Gandang Mornings ng TV 5 tuwing 8:30 a.m. at BuKo Channel naman tuwing 8 p.m.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *