Christine Bermas, nag-level up na

Marami nang nakakapansin sa galing na ipinapakita ng sexy star na si Christine Bermas dahil hindi lamang sa paghuhubad ngayon nakikilala ang dalaga.

Kung noon ay talagang no-holds-barred ang pagpapakita niya ng mga maseselang bahagi ng katawan ay ibang-iba siya sa pelikulang Sapul.

“More on drama ako sa Sapul. If I remember it right, only two sexy scenes lang ang nakunan sa akin and hindi tulad ng Scorpion Nights and others. This time, more on art talaga and it comes with a good story,” sabi ni Christine.

Kahit ang direktor na si Direk Reynold ay nagsabing aktres na talaga si Christine in a real sense of the word. Nakitaan daw niya ng potensiyal si Christine and very proud si Direk na na-handle niya ang aktres sa pelikulang Sapul.

Kahit na si Kiko Estrada na kasama ni Christine sa movie ay nagsabing magaling na aktres ang huli.

Ang Sapul ay isang sexy-action drama na pinagbibidahan ni Christine at Kiko.

Kasama rin nila sa pelikula ang veteran action star na si Jeric Raval, Phoebe Walker, Ada Hermosa, Simon Ibarra, Chad Solano, Ina Alegre, at Suzette Ranillo.

Kwento ito ng pagkakaibigan, pamilya, at pagiging tapat sa tungkulin ng pagiging pulis.

Ang Sapul ay streaming exclusively sa Vivamax simula April 21, 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *