Liza Soberano, trending pa rin

Nagpapatuloy pa rin ang pag-trend ng aktres na si Liza Soberano matapos ang kanyang mga naging pahayag nitong mga nakaraan at isa nga sa mga nagkomento sa dalaga ay ang kanyang dating talent manager na si Ogie Diaz.

Isinawalat ni Ogie na siya ang nag-guarantor para makahiram ng malaking halaga para makabili ng bahay para sa ama niya rito sa Pilipinas kasama ang mga kapatid.

Sampung taong gulang si Liza nang mag-decide siyang pumunta ng Pilipinas para tumira sa amang si John Castillo Soberano na hiwalay na noon sa mommy niyang Amerikana na si Jacqulyn Elizabeth Hanley at simula noon ay ang paternal grandparents na niya ang nag-alaga sa kanya.

Gustong mag-artista ng dalaga kaya siya pumunta ng bansa at pinalad naman mula sa tulong ng ex-manager at ng ABS-CBN.

At dahil kailangang unahin ni Liza ang bahay at lupa para sa ama at mga kapatid ay lakas loob na nagsabi si Ogie sa pamunuhan ng ABS-CBN para makapag-advance ng kanyang talent fee.

“Gusto kong magpasalamat sa ABS-CBN dahil ako mismo ‘yung kumausap habang takot na takot si Liza at daddy John ang kanyang ama na kumuha ng bahay. Ako ang naglakas loob sa ABS-CBN na makapag-advance si Liza para mabayaran (mabili) ‘yung bahay. Tapos sabi ko awas-awasin sa talent fee ni Liza. At kung sa bangko namin kukunin (ilo-loan) ang pangbayad ng bahay na iyon, Dyoskopo that’s P17.8 million and yes in-advance namin iyon sa ABS-CBN at ang nakakatuwa, hindi kami tinubuan,” saad ni Ogie.

“For how many years ng walang interest! Hindi ko ito inaano (sinusumbat) kay Liza ah. Sa akin ito, hindi kay Liza na ako bilang si Ogie Diaz na dating manager ni Liza Soberano na gusto kong magpasalamat sa ABS-CBN dahil sila ang naging tulay para makuha ni Liza ‘yung bahay,” dagdag niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *