Kumakalat ngayon sa social media ang comment ng vlogger at talent manager na si Wilbert Tolentino nitong nakaraan kaugnay sa mga tao na mahilig umanong magpa-victim at sa kanyang Facebook page, humirit ng hugot ang talent manager.
“Ganun tlaga may mga tao tlaga na sobrang galing mag paikot ng tao sa social media. Magaling mag pavictim na kaya nya gamitin ang sariling trahedya for views and popularity,” sabi ng talent manager.
Dagdag pa nito, ang taong ito raw ay magaling manghikayat ng mga tao para kampihan siya pero sa totoo lang ay may attitude ito.
“Kaya nya mang hikayat ng iba para kampi nya kahit cya naman talaga may problema…bait baitan sa harap ng camera kahit attitude in real life at higit sa lahat USER. Kaya gumising kayo,” sabi ni Wilbert.
Napa-react naman ang mga netizens sa post ng talent manager nina Madam Inutz at Herlene Budol at tila iniuugnay ang kanyang post sa social media influencer na si Zeinab Harake.
May pagkakahawig kasi ang post ni Wilbert sa naging hugot ni Zeinab noong nakaraang linggo.
Ito ay patungkol sa mga taong darating daw sa buhay ng isang tao at malalaman na lamang sa dulo na niloloko lamang siya at wala siyang kaalam-alam.
“Kaya gumising kayo di nyo kailangan ng mga taong uubusin lang ang lakas nyo mas piliin nyo yung mga taong kahit nasa boring at hardest part na ng buhay natin eh anjan padin sa tabi natin kahit walang kapalit kasi sila yung habang buhay mananatili sa tabi mo kahit talikuran kapa ng mundo,” saad ni Zeinab noong nakaraan.
Samantala, wala namang kumpirmasyon mula sa kampo ni Wilbert kung totoo nga ba ang chika na si Zeinab nga ba ang tinutukoy nito.