Heaven Peralejo, may bagong project

Excited na ang aktres na si Heaven Peralejo ngayong magkakaroon na siya ng bagong teleserye na ipalalabas sa susunod na taon at talaga namang star-studded ang upcoming TV show ng aktres na “Linlang.”

Kasama niya sa bagong teleserye sina Maricel Soriano, Kim Chiu, JM de Guzman, at Paulo Avelino at makakatrabaho niya rin sa proyekto ang ilang beteranong aktor gaya nina Ruby Ruiz, Jaime Fabregas at Raymond Bagatsing.

Sa isang Instagram post ay lubos siyang nagpapasalamat lalo na’t “first time” niya raw gampanan ang kanyang magiging karakter sa “Linlang.”

“It’s such an honor to be casted in a teleserye with such a unique script and powerful casts. First time ko pong gampanan ang ganitong klaseng character kaya’t malaking pasasalamat sa @dreamscapeph sa oportunidad at pagtitiwala. Isa sa mga teleseryeng hindi niyo dapat palagpasin!” sabi ni Heaven.

Maraming kapwa-artista rin ang nag-comment sa post ni Heaven at tila “looking forward” na rin sa inaabangang teleserye.

Wala pang detalye kung ano ang magiging istorya ng “Linlang,” pero mapapanood sa pasilip nito na tungkol ito sa pagtataksil sa isang relasyon.

Ayon pa sa kanila, “one of a kind” at talagang kakaiba ang upcoming show.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *