Janine Gutierrez, hindi pa ready

Aminado ang aktres na si Janine Gutierrez na hindi pa umano siya ready na “lumagay sa tahimik” kahit 33 years old na siya.

Sa kanyang “ASK ME ANYTHING!” vlog, maraming mga netizens ang nagtanong sa kanya na game na game naman niyang sinagot.

“I missed hanging out with you guys, mostly kayo ‘yung kasama ko ‘nung lockdown with the weekly vlogs and now I am back as promised and to start off, I’d like to post and ask me anything,” sabi ni Janine.

Ilan nga sa mga tanong sa kanya ay ang kanyang lovelife at natanong rin kung ready na nga bang mag-settle down si Janine ngayo’y nasa edad 33 na siya.

Sinagot naman ito ng aktres kaagad at sinabing wala pa raw sa kanyang plano ang magpaksal ngayong taon.

“Kanya-kanya talaga siya, like, for other people, they’re happy to get married younger or other people didn’t want to get married at all. So ako personally, It’s not in the plans for this year, so ‘yun. ala pa, wala pang plans,” sabi ng dalaga.

Nagbigay rin siya ng payo sa kapwa niya babae na huwag magpadala sa “pressure” pagdating sa pag-aasawa dahil may sarili naman daw tayong kapalaran.

“I just want to remind everyone, lalo na all the girls here na just you’re because you’re a certain age if you’re 30 or older doesn’t mean you have to get married na. I hope you don’t feel pressured ot left behind dahil ang daming nagtatanong. When it comes down to it, you’re always on your own timeline and it’s up to you kung ano ‘yung gusto mo with your life, so don’t feel pressure guys and to the people who are askin naman, ‘wag namang mang-pressure, diba, like kanya-kanya tayong journey talaga ‘yan and yeah, there’s no like correct timeline in life,” saad ng dalaga.

Matatandaang noong nakaraang taon nang maghiwalay si Janine at Rayver Cruz matapos ang apat na taong relasyon, at ngayon naman ay nali-link siya sa kay Paulo.

Sa huli ng vlog, lubos na nagpasalamat si Janine sa mga walang sawang sumusuporta sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *