Arestado ang isang Filipino worker sa Taiwan sa umano’y pagpatay sa kanyang kasintahang tumanggi sa kanyang marriage proposal.
Sa paunang imbestigasyon ng Hsinchu County Police Bureau, dati na umanong may relasyon sa Pilipinas pa lamang ang biktima at suspek na pawang hindi na pinangalanan habang gumugulong pa ang kaso.
Nagkahiwalay umano ang dalawa nang magtungo sa Taiwan upang maghanap-buhay.
Ayon pa sa police bureau, nagkita muli ang dalawa sa naturang bansa at doon ay muling pinagpatuloy ng mga ito ang naudlot nilang relasyon, kahit ilang ulit nang ni-reject ng biktima ang alok na magpakasal ng nobyo.
Hanggang nitong Sabado ng gabi ay nag-book umano ang dalawa ng isang hotel room sa Zhubei, kung saan muling na-banggit na naman ng suspek ang tungkol sa pagpapakasal.
Muli na namang tumanggi ang biktima at doon na nagkaroon ng sigalot ang magkasintahan hanggang masakal umano ng suspek ang nobya at napatay.
Kusa namang tumawag ng emergency service ang suspek, ngunit, nang dumating ang mga paramedic 6:00 ng umaga ay napaga-lamang may ilang oras na ring binawian ng buhay ang biktima.
Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa umano’y kaso ng pagpatay habang patuloy ang imnestigasyon.