President Bongbong Marcos on 2 August said the Filipino language is not limited to Tagalog, but rather includes all languages spoken in the archipelago.
In a statement issued on the occasion of Buwan ng Wikang Pambansa or National Language Month this August, Marcos encouraged Filipinos to join in the enrichment of the Filipino language, to quote:
“Malugod na pagbati sa inyo, mga kapatid sa Inang Bayan, sa ating pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.
“Napapanahong paalalahanan natin ang ating mga sarili na ang Filipino ay hindi limitado sa mga salitang likas lamang sa Tagalog, bagkus ay isang kalipunan ng iba’t ibang wika sa buong kapuluan, na naglalayong magbuklod sa ating lahat tungo sa pagsulong ng mas maunlad at nagkakaisang Republika.
Ngayon, higit kailanman, panatilihin nating matatag ang ating lingwistikong pundasyon sa Filipino, dahil ang sarili nating wika ang ating magiging batayang lakas sa paglinang sa ating kultura, habang nakikiayon sa agos ng makabagong panahon. Isaisip at isapuso natin na tayo lamang ang makapagpapatibay ng wikang taal sa ating pagkakakilanlan.
“Inaasahan ang bawat isa na makilahok sa intelektuwalisasyon ng Filipino, nang sa gayon ay mabago na sa ating kamalayan na ang pagsasalita ng banyagang wika ay hindi ang natatanging pamantayan ng karunungan. Tiyak na sasagana, sisigla, at liliwanag ang ating kinabukasan kung itataguyod natin nang buong dangal at pagmamahal ang ating wikang pambansa.
“Maligayang pagdiriwang sa lahat. Mabuhay ang Pilipinas at ang wikang Filipino!”