Napakaganda po mga Katribu ng artikulong nabasa natin kamakailan na isinulat ni Dr. Mario Ferdinand Pasion, director ng Phil-BRICS Strategic Studies at chairman ng Nationalist Filipinos Against Foreign Intervention.
Sabi nitong si Doc. Pasion, “We should not fall for the false fable of freedom spun by some western nations thru constant invasions, double standards, under the cover of their control of world media. Lets just keep working for the advancement of the Filipino family, economy, technology, position, abilities and strengths — FOR the Filipino!”
Naisip po natin isa siyang nasyunalista na ang nais ay mapanatili ang kalayaan ng mga Pinoy laban sa foreign intervention sa lahat ng aspeto, kasi nga hindi siguro natin nararamdaman na unti-unti, hindi man aminin, itong Western Countries o sabihin natin ang mga powerfull countries in the world ay malaki ang “tinatakam” sa ating bansa.
Lumalabas daw kasi ayon kay Doc. Pasion, ang US ay merong intensiyon na panatilihin ang pagpapalawak ng militarization at tensyon to any extent to maintain its hegemony, at nandito na sila sa ating bakuran.
Hindi ba matagal na silang nandito sa ating bakuran kahit ang mga base militar nila ay napalayas na, ngunit gumagawa sila ng paraan para ang kanilang hininga ay mapanatiling nasa ating pang-amoy.
Ayon kay Doc. Pasion sa kanyang artikulo, “Let’s not be the frontline of US positions and missiles. Ukraine has already lost a quarter of its territory and some 25 thousand of its young men on encouragement by the US and UK, simply because they insist on stationing their military on the border of Russia.”
Sa madaling salita, huwag daw po tayong maniwala sa huwad na pasubaling meron tayong tunay na kalayaan mula sa kanila dahil sa totoo lamang involve naman sila sa pananakop, double standards. Ang mabuting gawin natin ay magtrabaho tayo para mapanatiling malakas ang pamilyang Filipino, economy, technology, position, abilities and strengths, FOR the Filipino!
Ang matindi umano ay tila merong bagong colonizer ang Asia, ang Canada dahil sumama na ito sa US military base. Ayus.
Dumating na umano ang Canadian military sa Okinawa gamit ang US-controlled air base and naval port para sa kanila operations in the Asia-Pacific. Ginagamit uamno ng Canadian Armed Forces (CAF) ang US-controlled Kadena Air Base at White Beach naval port sa Okinawa for their operations in the Asia-Pacific.
So ito ay bukod pa sa US sa ating bansa para madagdagan ang kanilang presensiya dito at ang ulat na pati ang Australia ay meron na ring military units sa Southern Philippines.
Ayon kay Pasion, ang tala ng abuso ng US military personnel sa komunidad sa Okinawa at pati na umano sa Pilipinas ay dapat maging babala sa Marcos presidency dahil aniya mukhang gusto talagang palawakin ang militarisasyon na kaakibat naman ang tension para mapanatili ang kanilang hegemony, at ito ay nasa ating bakuran na.