Kathryn Bernardo, masarap maging kaibigan

Mahalaga talaga sa aktres na si Kathryn Bernardo ang pagkakaibigan at talagang treasure para sa kanya ang mga tunay na kaibigan, gaya na lang sa pagbati niya sa kanyang bestfriend and soulmate na si Arisse de Santos.

Sa kanyang Instagram page recently, binati ni Kathryn si Arisse sa pamamagitan ng isang collage.

“Who would’ve thought that 2012 would change my life? It was the year I met you, my soulmate, my best friend. Happy birthday, my dsnts! God knows how grateful I am to have you in my life. You are a gem. Thank you. Even though we’re miles apart, our friendship will always remain the same. And I can’t wait to see and hug you in person!!” saad ng dalaga sa kanyang caption.

Nagkakilala ang dalawa sa set ng 2012 Metro Manila Film Festival entry na “Sisterakas” kung saan ang ex-boyfriend ni Arisse na friend ni Daniel Padilla ay kasama sa movie at pagtapos noon ay naging close talaga sila.

Napanatili nila ang kanilang pagkakaibigan hanggang sa ngayon.

Maging ang shippers nga ni Kathryn ay tinawag pang KathRisse ang friendship nina Kathryn at Arisse.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *